Categories
Network Marketing Leader Interview

5 FINGERS TECHNIQUE In NETWORK MARKETING BY MIKE MACROHON

KILOS KAIBIGAN SHOW: 5 FINGERS TECHNIQUE BY MIKE MACROHON

Listen to the poscast:

Hello mga kaibigan. Magandang, magandang gabi sa inyong lahat.

Welcome po sa Kilos Kaibigan Show.

So tayo po ay mapapanood sa Facebook Live, Facebook Kilos Kaibigan Show at sa YouTube channel natin at mapapakinggan din po tayo sa ating podcast, search n’yo lang “Kilos Kaibigan Show.”

Ang mission ng Kilos Kaibigan Show, ay matulungan po ‘yung ating mga nagsisimula at nahihirapang mga Pinoy networkers at tina-try po nating i-invite lahat nung mga top earners, top performers, mga celebrities sa iba’t ibang company para i-share sa kanila, i-share nila sa mga nahihirapang networkers ‘yung kanilang tips, lessons, at mga learnings.

So welcome po uli sa Kilos Kaibigan Show. Ako po si Eli Palad pero hindi po importante kung sino si Eli, ang importante po ‘yung mga guest na hinihintay po natin dito sa ating show.

            So for this episode, mga kaibigan, kasama natin ang isa sa top leader, top earner sa kanyang company.

So isa s’yang trainor, mentor, coach, isa din sya sa, isa sya sa mga Millionaire Circle member, so ayan at isa sa mga kilalang kilala ko ‘tong si Sir dahil napuntahan na n’ya halos lahat ng bansa sa buong mundo so nakakatuwa.

At wala pang virus nun so ayos ‘yun, ayos. So, mga kaibigan, please welcome si Sir Mike Macrohon!

Sir Mike, binigyan ka namin ng simpleng introduction as well baka pwede n’yo kaming bigyan ng background n’yo bago kayo naging isang network marketing professional, ayan, bago kayo naging top earner, top performer.

Kilos Kaibigan Mike Macrohon

Sino Si Mike Macrohon at Paano Napakilala sa Network Marketing?

Mike:   Ayan, so good morning po s lahat ng nakikinig ngayon at nasa show na ito na sumusubaybay.

I’m Mike Macrohon, Former Auditor of Tagaytay Highlands and then after my auditing career, ako po’y naging Customer Service Supervisor ng SM Department Store.

Tapos dun ako na-ano, dun ako na, may nakapag invite sa akin, isa sa mga rank and files ko. Syempre ‘pag ikaw ay supervisor, may mga hinahawakan kang tao, so isa doon ay doing networking.

And then nung una, eh naniniwala kaya lang, nakikita ko nagkakaroon ng resulta at ang daming nababago yung buhay. Sabi ko “Panahon na siguro pakinggan ko rin.”

So nakinig ako. And nung napakinggan ko s’ya, nagbago ang lahat kasi na-inspire ako sa mga tao na ordinary lang pero biglaang yumayaman, biglaang kumikita ng malaking pera at ang laki ng impact sa ekonomiya ng kanyang pamilya at nakapang invite sa kanya. So ganu’n ako nag start.

And then nagandahan ako sa products, na magiging isang araw, maise-share ko rin ‘to sa iba at hindi lang ako ang kikita ng pera, hindi lang ako ang magiging mabuti ang buhay at marami.

Kasi yung na-ano ko sa network marketing merong ibibigay na kapangyarihan sa mga kamay mo na wala sa employment. So ‘yun. To cut the long story short, tinodo ko po lahat tapos ako ay nagkaroon ng napakalaking resulta.

At parang hindi, hindi, hindi ano eh kung binibilang ko po ‘yung mga, ‘yung 10 years ko na kinita sa network marketing, kelangan kong magtrabaho ng 500 years sa SM sa sweldo ko nung ako’y supervisor.

Kasi wala akong makitang hanapbuhay na in 1 decade magkaroon ka ng mga bahay, magkasasakyan ka, magkaroon ka ng mga farm, ang dami ho, ang dadami hong nangyari sa akin, sobrang dami.

So dito naman hindi natin pag uusapan yung resulta ko, ang pag uusapan natin ngayon paano bang mangyayari sa inyo yung nangyari sa akin.

Eli:       Yes sir. So maraming salamat sir sa pag-ano, sa pagpunta, pag schedule ng ano, ng interview, actually itatanong ko nga kung sino ‘yung nagpakilala sa inyo o nag invite sa inyo sa networking, s’ya ‘yung nagpakilala sa MLM. Itatanong ko na lang, sir, ano ba ‘yung approach n’ya, ano ba ‘yung invite n’ya, papano ka ba pinilit para maka-attend dun sa presentation na ‘yun?

How to Invite? Paano Na Invite si Mike Macrohon Para Makining sa MLM Presentation

Mike:   Actually, ini-invite n’ya ako, ano daw, meron daw mga seminar tungkol sa food supplement. Eh sabi ko naman, “Hindi ko naman kailangan ‘yang food supplement. Malakas pa ako sa kalabaw.”

‘Yun ‘yung biro ko.

Tapos hanggang ano, hanggang pinagtulungan nila ako. Actually tatlo sila, tatlo ‘yung rank and files ko. ‘Yun na ‘yung isa kinukulit ako tapos ‘yung isa Customer Service Assistant mismo.

Araw-araw kong kasama, pinakikitaan ako ng mga income nila. So nung una di ako naniniwala pero nung nagkakaroon na sila ng tseke na P10,000, P12,000 every week tapos palaki nang palaki naging P50,000 na, naging P100,000 na, sabi ko

“Teka muna. Bakit isasabak ko ‘yung sarili ko sa aking sariling pananaw? Kailangan pagbigyan ko sila.”

So nangyari, pinagbigyan ako. Binitbit ako sa Ortigas at dinala ako sa seminar room at nakinig ako dun. Actually ‘yung kwento ko, ano eh, kakaiba. ‘Yung, ‘yung naging speaker during my time nang um-attend ako ng seminar, estudyante.

So parang sabi ko syempre may pride, may pinag-aralan. So hindi naman po pagyayabang, ako naman po ay naka graduate ng college, ekonomista po ako and then ako din ay graduate ng Theological Studies sa Esvin Seminary.

So ano, kumbaga ano kung, kung employment ‘yung tatahakin ko, may panlaban ako kasi nakapagtapos. Kaya sabi ko “‘Yung result, ‘yung result kasi ‘yung estudyanteng nag e-explain may kotse, ako bisor naka barong, walang kotse.” So dun ako, dun nagsimula ‘yung ano, ‘yung gigil ko. Ganun ang nangyari.

Eli:       Ayun.

Mike:   Kaya nga nagpapasalamat ako sa kanya, Mike Fabin.

Eli:       So nung sumali kayo, nung sumali kayo dun sa company, kumusta sir ‘yung ano, parang may mga getting started ‘yan eh, so kumusta ‘yung unang, unang few weeks, unang buwan, ‘di ba kayo nahirapan dahil first time o second?

Typical First Year Result in Network Marketing?

Mike:   Nangangapa ako. Nangangapa ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi di naman ako networker. Dehado ako. Sanay ako na, na pumapasok ng 8 to 5, nasa opisina. Sanay ako na sumusunod sa boss tapos dito sa network marketing, wala kang boss.

Sa’yo ‘yung oras, sisipagan mo lang. So nung una ano, ang ginagawa ko nag i-invite invite lang ako. So sinasakay ko sa bus ‘yung mga invite ko. Minsan dun lang ako nahihirapan, ‘yung panggalaw kasi wala na akong pera.

Dumating sa point na ‘yung mga invite ko hindi ko napapakain, ‘di ko man nati-treat ng pamasahe man lang pero sabi ko ano “Itutuloy ko ‘to kasi ang daming mga nabago’ng buhay.”

Nakita ko na kinareer ito, (not sure) and that time, nagkaroon ng malaking resulta.

So nung una mahirap, mahirap kasi ang kalaban ko is ano eh, una sa family ko. Syempre supervisor na ako tapos may pinag-aralan ako. Kumbaga ako’y magiging manager na during that time.

Tapos bigla akong magne-networking, na alam mo naman na negatibo ‘yung marami, ‘yung kasi ginamit sa hindi maganda. So ngayon nakapasok ka sa company nang maayos na, baka maging tingin sa’yo ganu’n. So ‘yun ‘yung mga nilalabanan ko na hirap, emotionally ‘yan.

Kasi paano ko, paano ako magiging effective sa family ko, na ipagtatanggol ko ‘to eh marami nga silang hindi magandang narinig, ayun! And then ang hirap ko pa talaga, actually panggalaw. Tapos ‘yung mindset na nahihirapan ako kapag nare-reject ako.

Nahirapan ako na ‘yung syempre ‘yung (unclear) tumatanggi sa’yo, dun ako nahirapan. Pero nung uma-attend ako ng seminar, nung uma-attend ako ng mga training, unti-unti, unti-unti na-immune ako, na-immune ako.

Hanggang sa ‘yung mga negativities, hindi ko na napapansin. Hanggang naging mahusay na ako tapos napansin ko nakakapagpa pay in na ako. So meaning nalampasan ko. Kailangan lang lampasan.

Eli:       Yes sir.

Mike:   Ayun. So nung kumita na ako ng malaki, kumita na ako nang kumita. As in…

Eli:       Tuloy tuloy na.

Mike:   Ang dami ko nakukuhang mga tao, ang laki ng kinita ko. Hindi, hindi, hindi na ano eh, dumating sa point na nung mga first week, second week, pang rank and file lang ‘yung kita ko. Tapos dumating ‘yung months na pang-supervisor na.

Hanggang lumaki nang lumaki ‘yung income ko na ‘yung kinikita ko sa SM na isang buwan naging dalawang araw ko na lang. Hanggang umabot sa point na ang sweldo ko pala ay pang-managerial na. Hanggang umabot sa point na ‘yung pang-executive na ng SM ang aking sweldo. So ganun ‘yung nangyari. So nalampasan ko s’ya.

Ito malupit, Ito malupit. Nung lumaki na ‘yung pera ko, meron pa ako’ng isang problema.

So both eh.

Kapag wala kang pera, may problema ka. Pa’no ‘yung pamasahe mo? Paano ka gagalaw?

Nung lumaki na ‘yung pera ko, ano na ‘yung gagawin ko sa mga perang nakukuha ko?

So kelangan ko rin mag-ano, mag, ang mahirap ko noon ‘yung priority. Paano ako bibili ng ganito?

Mag-iinvest ng ganito? So medyo hirap pagka nabigla ka. Kumbaga parang binigyan ka’ng sobrang laking pera. Kaya lang good news sa company na napasukan ko, may mga adviser sa pera.

Kaya ako, sa mga nagne-network, ‘pag nahirapan kayo’ng lagpasan ‘yung mga nangyari, later ‘pag kumita kayo, mahihirapan din kayo paano gagastusin naman. Lahat ‘yan.

Eli:       Mas magandang, mas magandang problema ‘yan sir. Papano mo gagastusin? Ayun. Ok, ok sir. Salamat sa pag-share. Tapos kapag nane-negative kayo ba, ano ba’ng, may mga favorite na mga quotes ba kayo sa mga, mga mentor n’yo? Para ‘yung…   

Mike:   Oo.

Eli:       …‘pagka nane-negative ka, ano ‘yung ginagawa n’yo? Ano ‘yung naiisip na ginagawa n’yo para, kaya nagtuloy tuloy kayo?

Mike:   Ako tuwing magne-negative ako, pumipikit ako eh. Tapos tinitingnan ko ‘yung buhay na harapin ko—kung employment ang itutuloy ko or ito. At pumasok sa isip ko ano, lagi kong sinasabi sa sarili ko “Don’t give up.” “Don’t give up.” Ganun lagi. “Don’t give up.”

Eli:       “Don’t give up.” lang talaga.

Mike:   Kasi the moment nag give up ka, wala na’ng lahat. So hindi ako nag give up. Diretso ako, diretso. Diretso. At t’wing magne-negative ako, tinu-turn ko ito sa pag i-invite.

Dahil mawawala din naman ang negative ‘pag nakapag invite ako lalo ‘pag nag pay in (not sure). Sa totoo lang kaya ka naman nane-negative, nagiging low, low, low moral ka ‘yung mood mo, isa lang ang nagtutulak n’yan dahil wala kang income.

So ano’ng gamot para magkaroon ng income? So easy lang ang networking. Paramihin ang tao sa ilalim mo. Paramihin ang customer. Paramihin ang consumer. Palakihin mo ‘yung community mo.

And the rest, ‘yung negative, i-turn mo lang ‘to sa pag i-invite. Ganun. Trabaho lang. Kasi ang mga nane-negative, malaki ‘yung space kung mag isip.

Ibig sabihin wala kang activities.

Eli:       Ayun, activities.

Mike:   So kung may activities ka, wala ‘yung negative.

Eli:       Tama. Sa nabanggit nyo…

Mike:   ‘Yun pala ‘yung bottom line ng lahat.

Eli:       Tama, tama. Activity. Busy ‘yung isip mo. Saka alam mo kung saan ka pupunta sir eh ‘di ba?

Mike:   Oo.

Eli:       Kapag nalaman mo kung saan ‘yung pupuntahan mo, dapat ‘di mo na pinapansin ‘yung mga negative. So napansin, nabanggit n’yo na dapat palakihin…

Mike:   Yes, may direksyon ka eh.

Eli:       Yes. Nabanggit n’yo na palakihin ‘yung consumer, palakihin ‘yung community. S’yempre nag-a-ano kayo, isa sa mga training na nakita ko sa inyo kasi ‘yung pagpapalaki ng, pagpapa-train ng mga leaders. ‘Yung favorite na training n’yo nun is ‘yung 5 Fingers eh. Tuwang tuwa ako nun ‘pag pinapanood ko eh. So baka may mga bagong networker d’yan na hindi pa nadidinig ‘yung training n’yo na fi-finger-in n’yo pa ‘yung, fa-five finger-in n’yo pa ‘yung mga bagong member para tuloy-tuloy ‘yung training.

Mike:   Yes, yes.

Eli:       Summary lang sir, summary.

What is the 5 Finger Training?

Mike:   Sa aking observation, summary lang ano? Sa observation ko, ang network marketing lima lang talaga s’ya tumatakbo.

Una, kahit may cellphone na tayo, kahit na high tech na tayo ngayon, kailangan talaga may prospect list ka. Hindi pwedeng wala. Isulat mo ang prospect list mo, 100.

At sa 100 na ‘yun, pili ka ng sampu. At sa sampu na ‘yun, pili ka ng lima—‘yung may pera, positibo at meron ka’ng tinatawag na “emotional bank account.”

Sa prospect list kasi mahalaga na ikaw ay may tiwala sa iyong talent (unclear).

Second, lahat ng prospect list mo, lalo na ‘yung priority, kelangan s’ya ay imbitahan mo. Invite mo talaga s’ya sa opisina, pakita mo ‘yung negosyo mo. Pormal na imbitahan mo.

And third, ‘pag naimbitahan mo, bigyan ng presentation. Kung ano ‘yung presentation ng company na meron ka, ibigay mo ‘yung presentation ng product, ng marketing plan, ilatag mo s’ya nang buong-buo.

And then, after ng presentation, ayun na. Kelangang ipakausap mo s’ya sa mga tao na makikita mo sa opisina na nagtagumpay na sa network marketing na ka-propesyon n’ya. Kung teacher ‘yan, ipakausap mo sa teacher.

Kung lawyer ‘yan, ipakausap mo sa lawyer. Maraming mga gan’un. So ang tip ko po sa mga nagsisimula, kelangang kilala mo ‘yung mga taong nakapaligid sa company mo.

Ano ba ‘yung profile nila? At ano ba ‘yung mga propesyon nila? Para meron kang ano, matching ang tawag dun.

And then after all, after all, kelangan ikaw ay magkaroon ng tinatawag na 48 hours rules na follow up dahil bottom line ng lahat, kahit anong ganda ng presentation mo, walang dalang pera ‘yan.

Ang pinaka-sales, masasabi mo lang s’yang sales na s’ya kapag iyan ay na-follow up mo at nagbayad na. Simple lang. Para lumaki ang iyong network, imagine-in n’yong meron kayong mga tao.

Nagsimula kayo, let’s say meron ka na ngayong sampung tao. Lahat ay may prospect list. Lahat ang galing mag-invite.

Lahat ang galing mag-present. Lahat ay nagpapa-ABC rule. Lahat ay nagfa-follow up.

Magaling lahat.

Ano’ng mangyayari dun sa organization mo? For sure, sabog.

Eli:       Yes.

Mike:   What if, baligtarin natin? Buong network mo, kahit dumami pa ‘yan, kahit ang laki ng, ang galing mo mag-recruit, pero lahat ng nasa ilalim mo, walang prospect list, walang, hindi magaling mag-invite, walang marunong mag-present, ikaw lang ng ikaw. Hindi nag a-ABC rule, hindi pa nakakausap sa iba, at hindi nagfa-follow up. Ano’ng network ang meron ka? Wala. Ibig sabihin, kapag ganun, ikaw lang ang nagta-trabaho, hindi sila. Wala kang leverage…

Eli:       Tama.

Mike:   …kapag hindi ka marunong sa 5 fingers na ‘yun.

Eli:       Tama.

Mike:   So again, napakahalaga ng 5 fingers. ‘Pagka pay in (not sure) pa lang ng isang tao, kailangan

Number 1: Pagsulatin mo na ng prospect list.

Number 2: Kailangan maipaintindi mo sa kanya na mag i-invite s’ya.

Number 3: Kelangang marunong s’ya mag-present. Sa simula ikaw muna.

Number 4: Kelangang ipakausap sa iba ‘yung mga prospect n’yo. And then i-follow up. ‘Yun lang ‘yun. Ganun ako nang ganun.

For the last 13 years, wala akong ginawa kundi ganun nang ganun nang ganun. Paulit-ulit lang. Paulit-ulit. Kaya ang laki ng kinikita ko.

Eli:       ‘Yun. ‘Yun nga. ‘Yun nga din ang gusto kong, ipa… iparating sa mga nanonood na mga baguhang networker or mga nahihirapan. ‘Yun lang sinabi ni sir Mike ngayon, naku po, ‘pagka nagawa n’yo ‘yun, baka sasabog din ang grupo n’yo. Ok.

Mike:   Sasabog ‘yan.

Eli:       Oo. Sige sir. Maraming salamat. So final, final word, final question na sir. Baka meron kayong tips uli mga nagsisimula pa lang na networker, ‘yung mga nasisiraan na ng loob. Final tip at…

Mike:   Ok.

Eli:       …sa mga gustong i-follow ka. Baka meron kang social media accounts na pwede nilang i-follow para baka ma-PM ka nila…

Follow Mike Macrohon in Social Media

Mike:   Yes.

Eli:       … o hingi pa sila ng tips.

Mike:   Ok. Ganito lang po. Sa lahat po ng mga nakakapakinig po ngayon dito, ang tip ko po sa inyo, isipin n’yo lagi ang family n’yo. Hindi po nagbibiro ang network marketing.

Proven and tested ang sistemang ito. Kaya n’yang baguhin ang buhay mo isang ganun lang. Isa lang ibig sabihin—kung ang sistemang ito ay proven and tested, hindi sa company, hindi sa produktong dala mo, kundi ikaw mismo.

Ikaw mismo ang kailangang maayos ang emotion, maayos ang pag-iisip, at kailangang mayro’n kang direction. So without direction, maliligaw ka lang. Kaya ako po, makakatulong po ako sa inyo.

Kahit anong company n’yo, punta lang po kayo sa, sa Facebook. I-follow n’yo po ako, Mike Macrohon. Or kung gusto n’yo pong matuwa sa buhay, i-search n’yo lang po ako sa Google, sa YouTube. Basta Mike Macrohon. Mapa-mapapanood n’yo naman eh, ‘yung ‘yung Funny OPP by Mike Macrohon.

Eli:       ‘Yan. Saka sir ‘yung…

Mike:   Marami po ‘yan.

Eli:       …dapat search nila ‘yung ano, pinakamayaman sa networking.

Mike:   Ah ‘yan! ‘Yang mga pinakamayaman. Ako ‘yan. Ako ‘yan.

Eli:       Sige sir. Maraming, maraming salamat sa oras na…

Mike:   Thank you so much po.

Eli:       Oo. So maraming salamat.

Mike:   Thank you sa, thank you po sa pag-invite mo sa’kin. At ito lang po, last word ko sa inyo. Sa network marketing lahat ng sumasali ay yayaman. Basta magdire-diretso ka lang at ‘wag kang mag-stop.

Eli:       Yes.

Mike:   Pero laging question ay ito, anong uri ka ng mayaman kapag ikaw ay mayaman na? So ‘wag po kayong magbabago. Laging ang paa’y nasa lupa para hindi maligaw at lalo kang biyayaan ng Diyos. So thank you so much and God bless po. May panalangin ako, sana ‘yung nangyari sa akin ay mangyari din po sa inyo. God bless.

Eli:       Thank you sir.

Categories
Quotes

FLASHLIGHT VS. FLASH OF LIGHTNING IN NETWORK MARKETING

Kumusta mga kaibigan? For today’s topic, hindi ko alam kung narining nyo na or nai-share na sa inyo yung kwento ng flashlight at ang flash of light ng kidlat.

Kung ikaw ay involved sa network marketing, alam mo na isa sa mga magandang bagay dito ay ang continuous learning and continuous self-development.

Marami tayong natututnan sa iba’t ibang mentors. Namomotivate tayo sa mga aral na binabahagi nila. Nai-inspire tayo sa mga experiences and mga kwento nila.

Ang kwento ng flashlight versus flash of lightning ay narining ko rin sa isang top network marketing leader, na hindi ko sasabihin ang pangalan..

Kung kilala mo sya, comment below.. kung ikaw or kung sayo nag originate ang kwentong ito, please comment below and show proof 🙂

Kung ikaw ay network marketing leader na maraming pwedeng ituro at i-share sa mga nagsisimula pa lang, i-urge you to reach out to Kilos Kaibigan Show (me) and let’s do an interview..

Naghahanap po ang KKS ng mga mentors and coaches na open mag share at hindi nagsasarili ng learning.. eli@kiloskaibigan.com.. email me.

The Flashlight vs. Flash of Lightning

Hindi ka ba nagtataka kung bakit may mga networker na kahit hindi sila kumikita ng malaki sa umpisa or mabagal ung paglaki ng kanilang group, mabagal ang pag asenso nila.. pero hindi sila nagqu-quit!

It ay ang mga tao, ito ang mga networkers na alam nila kung saan sila papunta.

Ito yung mga tao na alam nila kung ano yung naghihintay sa kanila basta wag lang silang titigil at maging consistent lang sa kanilang daily activities.

Tapos may mga tao naman, na mga networkers din.. sandali lang.. QUIT!

Or, may mga tao naman na ayaw nila mag network. Walang dating sa kanila ang mag network. Hindi nila naiintindihan ang network marketing.

Ganito yan…

Imagine nasa isang mundo ka na talagang walang liwang.

Madilim.

Sa lugar na ito, mayroon ka lang isang flashlight. So, ang nakikita mo lang ay yung beam of light na nanggagaling sa flashlight.

Ang nakikita mo lang ay ang mga bagay na tinatamaan ng liwanag ng flashlight, tama?

Tapos, imagine mo rin na biglang kumidlat! Napi-picture mo ba pag may malakas na ulan at may kidlat? Di ba pag malakas ang kidlat sa madilim na gabi, biglang magliliwanag ang paligid mo?

Sa liwanag ng kidlat na iyon, sa flash of light na galing sa kidlat na iyon, nakita mo lahat ng nakapaligid sayo.

Kahit na dumilim ulit sya.. kahit na one, two seconds lang yung liwanag, nakita mo ang mga nasa paligid mo.

Compare natin sa flashlight, ang nakikta mo lang ay ung malapit sayo. Ang nakikita mo lang ay yung kayang ilawan ng flashlight.

Short distance, limited.

In Network Marketing…

Parang ganon din sa network marketing.

Yung mga taong empleyado or may employee mindset, yung mga taong nagqquit sa network marketing business nila, sila yung mga taong may limited vision.

Sila yung mga taong may hawak ng flashlight.

Hindi nila nakita ang buong picture. Hindi nila nakita yung buong vision. Hindi nila nakita ung mga nakapaligid sa kanila. Hindi nila nakita ang naghihintay sa kanila kung itutuloy tuloy lang nila ang pag build ng network nila.

Ang nakita lang nila ay kung ano yung nasa harapan nila (dahil sa flashlight). Ang nakita lang nila ay ang mga struggles, ang mga rejections, ang lahat ng mahirap. Kaya suko na sila. Di nila nakita yung destination.

Ang ibang networkers naman, kahit hindi pa sila kumikita, kahit nahihirapan sila mag build or magpalago ng group nila.. maaring ikaw yun or maaring kilala mo sila,

Hindi sila nag qquit!

Kasi nakita nila ang vision! Nakita nila ang power ng network marketing, ang power ng leverage. Nakita nila ang mga magagandang bagay na naghihintay sa kanila.. dahil sa flash of light na galing sa kidlat.. ng dahil sa vision na binigay sa kanila ng network marketing.

So ang kailangan na lang ay Gumalaw ka.. Puntahan mo.. Kuhanin mo.. ang lahat ng naghihintay sayo sa network marketing!

Kung isang networker ka at nahihirapan ka ngayon pero di ka nag qquit.. Dahil alam mo ang naghihintay sayo, ngayon pa lang kino-congratulate na kita!

Kung may kakilala ka na dapat malaman ang flashlight story, share mo to sa kanila.. Tag, share sa facebook.

Salamat..Kilos Kaibigan!

Categories
Quotes

HOW TO HANDLE THE “I DONT HAVE THE TIME” OBJECTION

Subscribe to iTunes Podcast

CLICK TO -> Subscribe to the Youtube Channel

Visit the Blog Click here

Alam mo ba na iyan ang pinaka common na objection kapag ipinapaliwanag natin ang negosyo natin sa ating mga prospect?

Paano mo sinasagot ang objection na “wala akong oras dyan” or “busy ako”. 

And unang una mong sasabihin sa kanila, lalo na kung siya ya kapamilya or isang close friend.

Itanong mo sa kanya kung talaga bang wala syang oras para sa business mo, or ayaw talaga nya at hindi lang nya masabi ng diretso sa iyo dahil ayaw niya na masaktan ang damdamin mo.

Dalawa lang ang pwedeng outcome nyan.

Una, sasabihin nga nya na wala syang interest sa business at nahihiya nga lang syang tumanggi sa iyo at ang pangalawang pwedeng mangyari ay talagang sasabihin nyang wala syang oras dahil sa trabaho, commute, at family commitments.

Gusto mo ba malaman ang ilang pwedeng itugon sa ganitong objection? Makinig sa ating podcast for today.

#KILOSKAIBIGAN!

I dont have the time objection
Categories
Quotes

3 RULES OF NETWORK MARKETING THAT EVERY NEW BLOOD SHOULD KNOW BY HEART

What are Rules? Bakit napaka importante ng rules?

Rules are there to guide and to organize. Para hindi nakakalito at hindi nagkakagulo.

Rules are instructions that tell you what you are allowed to do and what you are not allowed to do.

Sa Network Marketing, may 3 Rules na dapat alam at nasa puso ng bawat networkers, bago ka man or beterano.

3 Rules of Network Marketing

Ano ano ba ang (unwritten) law ng Network Marketing?

Isa isahin natin at magbigay tayo ng halimbawa ng bawat isang rule para mas madali nating naunawaan.

Rule 1 – Pay Attention

mag aral

Mag aral at makinig!

Subalit, pero, datapwa’t, huwag basta basta makikinig kung kani-kanino.

Piliin mo ang taong papakinggan. Hindi ibig sabihin nagsasalita or nagbibigay ng advise ang isang tao ay dapat mo na siyang pakinggan.

Kung gusto mong pumayat at nag enroll ka sa gym, makikinig ka ba sa isang gym instructor na mas mataba pa sayo?

Kung may problema ka ng boyfriend mo, makikinig ka ba sa advise ng kaibigan mong No Boyfriend Since Birth?

Hindi lahat ng nagbibigay sayo ng advise ay tama.

Sa business natin, congrats at nag start ka sa Network Marketing, malamang may mga kamag anak at kaibigan kang nag react at nagbigay ng opinion nila na panget ang MLM.

.. na scam ang MLM

.. na di mo kakayaning ang MLM

Pero ang mga friends or kapamilya mong nagsasabi nito ay kahit kailan hindi naman nagbusiness ng kahit anong direct sales company.

Or kung nakasubok man sila, wala naman silang binigay na effort. Nahirapan sila, at nag give up.. at sinisi niya ang upline nya, sinisi nya ang company, sinisi niya ang industriya.

(Yan nga pala ang paborito ng mga pinoy – ang mag reklamo at manisi).

Makikinig ka ba sa mga payo at advise ng mga taong di alam ang kanilang sinasabi.

Ang Rule number 1 – Pay Attention, ibig sabihin, makinig ka sa upline mo, or sa upline leaders mo kung bago lang din si upline mo.

Makinig ka sa mga trainer ng company mo. Makinig ka sa mga training ng mga top earners. Sila ang may resulta, sila ang alam ang sistem at alam nila ang kanilang ginawa.

Pay attention sa mga activities nila, sa mga tips nila, sa mga advise nila.

Rule 2 – Get Excited!

get excited

Excitement is contagious!

Totoo or totoong totoo?

Naalala mo ba yung moving Avengers: End Game? Pinalabas noong April 24, 2019? (tanda ko pa dahila April 30, 2019 ko to sinulat.. *hehe*)

Naalala ko pa, isa kaming mga anak kong nanood ng movie.

Excited Kami!

Ganon ka rin dapat ka excited sa business mo!

Gusto mong ikwento sa lahat ng kakilala mo yung movie. Gusto mo ikwento kung ano ano yung mga connection ng bawat characters. Gusto mo balikang at ikwento ang lahat ng mga related movies leading sa End Game!

Same sa business mo. Wag ka mag present na para kang namatayan! Dapat excited ka! Bibigyan mo ng pag asa ang mga nakikinig sayo!

Bibigyan mo sila ng isa pang option, isa pang opportunity na maging maganda ang buhay nila!

Be excited!

Rule 3 – Don’t Quit!

never quit

Ang maganda sa Network Marketing, wala kang boss.

Hindi ka empleyado na pwede nilang alisin or sisantihin.

Sa Network Marketing, unless may kababalaghan at kalokohan kang ginawa, hindi ka nila pwedeng alisin sa company.

Ikaw lang ang makakapag pawalang bisa ng association mo sa company.

Ikaw lang nag magsasabing, “Ayoko na”.

Rule number 3 – Do not quit!

Ngayon alam mo na ang 3 Rules of Network Marketing, mas malaki ang chance mo na maging successful kung susundin mo lang ang 3 rules na yan!

Makinig sa taong alam at may experience sa kanilang sinasabi. Laging maging positive at excited. At wag kang mag-quit!

Congrats! Patuloy mo lang!

Kilos Kaibigan!

Watch the Video

Categories
Quotes

BAKIT KAILANGAN MONG UMATTEND NG LIVE COMPANY EVENT OR TRAINING!

Wala dapat exempted! Lahat ng pinoy networkers dapat umattend ng mga big company events or trainings!

Bago natin i-share ang mga dahilan kung bakit kailgangan mong umattend ng Live training event, mag share muna ako para i-compare natin.

Watch Your Favorite Artists LIVE!

Ang kauna unahang concert na napanood ko ay noong nag tour and bandang Lifehouse sa Asia at dumaan sila sa Philippines (Araneta Coliseum)

I lost the ticket for remembrance, sayang!

After that, Britain’s Finest (Beatles cover band), then Bryan Adams and ang latest ay ang Guns ‘N Roses sa Philippine Arena!

pinoy networking
pinoy networking
Guns Roses Pinoy networker


Kahit na alam mo ang lahat ng kanta ng mga idol mo. Kahit na memorize mo na ang mga kanta nila. Kahit na kumpleto ka ng mga CDs and MP3s nila, IBA PA RIN ANG LIVE, IN THE SAME ROOM!

Tulad din yan ng pag attend ng isa live training or even ng MLM company mo!

Importance of Attending Live Events

Alam mo na marahil ang dahilan kung bakit kailagan mong umattend ng Live company event or training.

Dahil iba ang experience pag LIVE!

Maliban sa concert, imagine mo rin kung makikipag date ka sa nililigawan mo through skype lang or facebook.

Di ba, mas masaya pag live?

3 Reasons Why Attending Events are Important

Hind mo dapat panghinayangan ang gagastusin mo sa pag attend ng live training!

Sulit na sulit sya!

1) You Are More Focused and Aware

Sa live event, 100% naka focus ka sa sinasabi ng trainer! Compare mo kung nanonood ka ng video sa youtube or nakikinig sa recording.. Malamang maraming distractions

2) The Atmosphere Motivates You

Iba ang excitement and atmosphere pag ikaw ay nasa Live event!

Alam mo na lahat kayo na nandoon ay may iisang interest, may iisang goal paglabas or pagkatapos ng training.

Makikita ang mararamdaman mo ang saya at excitement ng mga kasama mo sa industriya! Nakaka gana diba? Nakaka motivate!

Compare ulit natin.. Listening to music at home is not the same as going to the concert because of the other intangible factors such as the lighting, singing along with others, the dancing, etc.

Kung mahilig ka sa basketball, iba ang nanonood sa bahay at iba ang nasa stadium ka kasama ang mga naghuhumiyaw na mga fans!

When you attend a live MLM training event, you get to be in the same room and see things that you don’t get at home.

3) Networking in Networking Event

Karamihan ng mga umaattend sa live events ay mga taong may resulta na sa negosyo at mga tanong naniniwalang malaki ang maitutulong nito sa kanila.

Alam ng mga may resulta na, na alam na nila ang ituturo, pero pumupunta pa rin sila dahil sa ‘networking’.

Dito sa ganitong event, makakasama at makikilala mo ang mga importanteng tayo na pwede mong makausap at mapulutan ng aral at tips sa pagpapalaki ng business mo.

Most of them already know the stuff that is being taught but they are wise enough to know that the REAL value is in the networking.

There is no better way to meet and pick the brains of successful people than to attend a live MLM event.

Kaya ngayon, sa darating na big event ng company mo, aattend ka ba?

Ang mga nagiging successful sa industria ng network marketing ay pinupuntahan ang LAHAT ng event ng kanilang company!

See you there!

Kilos Kaibigan!

Categories
Internet Marketing

Apat (4) Na Paraan Kung Paano Magbenta sa Facebook

Sa panahon natin ngayon, halos lahat ng tao ay may Facebook account. At syempre, ang unang requirement ng mga nagbi-business or may mga negosyo ay ganito – “kung nasaan ang tao, dun ka magbenta“.

Sa English, dapat may ‘foot traffic’ ang pwesto ng tindahan mo. At dahil online business at online selling ang ginagawa natin, saan pa ba maraming tao kung hindi sa Facebook.

Eto ang apat (4) na paraan para mag share at magbenta ng mga produkto mo sa Facebook:

1. Post on your personal profile or your own wall
2. Post on your Facebook groups
3. Direct sell to your Facebook friends and contacts.
4. Advertise using Facebook Ads on your Facebook page

facebook marketing tips

Sell On Your Personal Profile

Ang unang unang lugar kung saan pwede kang magshare ng product mo ay ang iyong personal Facebook account. And advantage nito ay kilala mo ang mga taong makakakita ng mga products mo. Or at least, mas marami ang kilala mo at kilala ka.

Mas malaki ang chance na may bumili sayo kung kilala at pinagkaka tiwalaan ka ng tao. At dahil mga friends mo na sila – kamag anak, ka trabahao, classmate etc.)

Sell on Facebook Groups

Warning! Warning!

Warning muna bago tayo mag paliwanag. Lahat ng topic at interest mo ay may mga Facebook groups, halimbawa, group para sa cycling, biking, basketball, music at iba pa. Subalit hindi, ulitin ko po, Hindi ito ang groups kung saan kayo mag popost ng mga products nyo.

Usually ang mga ganitong mga Facebook group ay para makipag kaibigan sa ibang tao na may common interest sayo.

Saan ka dapat mag share/post ng binebenta mong products? Usually ito ay mga Buy-and-Sell groups. Oo, karamihang mga members ng ganitong groups ay mga nagbebenta din, pero may mga to din na sumasali sa ganitong group para maghanap ng bibilhin nila. Sila ang target market natin.

Direct sell to your Facebook friends and contacts

Ito ay katulad sa pa share ng products mo sa sarili mong Facebook profile na kung saan ang makakakita ay mga friends mo. Ang pagkakaiba lang ay kakausapin mo ng diretso ang mga taong kakilala mo talaga.

Aminin na natin, hindi lahat ng mgafriends natin sa Facebook ay friends talaga natin or kakilala talaga natin. Maaring sila ay mga kakilala ng mga friends natin na na add na natin or nagpa add sayo sa facebook.

Para sa mga ‘true friends’ natin sa Facebook, yung mga taong kilala tayo, sila yung mga taong pwede nating i-direct sell. Paano? Sa pamamagitan ng PM (private message). Pwede mo silang i-PM at hindi sila magtatanong kung sino ka dahil kilala ka talaga nila. Ngayon, ok lang syempre kung bumili sila or hindi, diba? 🙂

Advertise using Facebook Ads on your Facebook page

Ang topic para sa pag gamit ng Facebook Pages at Facebook Ads ay isa pang mahabang paliwanagan and deserves a whole other post. Pero ang huli at pinaka maraming reach or pinaka maraming makaka kita ng products mo ay ang pag gamit ng Facebook page at pag advertise sa Facebook.

Sa Facebok page (ads) pwede kang mamili kung sino at anong klaseng tao (demographics) ang makakakita ng ads mo. Kung may budget ka para sa marketing and adverts, dapat ay mag aral ka kung paano gamitin at paano mag submit ng ads sa facebook.

Suggestion?

Yan po ang ating apat na paraan para mag benta ng ating products online using Facebook. Kung may ibang paraan pa kayo na pwede nating gamitin, pwede nyo pon gi comment sa baba at i share sa ating mga readers!

Don’t forget to subscribe sa ating mailing list at i-download ang ating free ebook! Cheers! Kilos Kaibigan!

Categories
Internet Marketing

5 Reasons Why You Should Consider Starting an Online Business

“Is the Internet profitable for business?”, That is the question I often get asked when I was earning money from the internet through my Adsense blogs.

Ang sagot ko? “Oo naman, may pera sa internet”.

May mga ilang kamang anak at kaibigan ako na nagtatanong at nagpaturo sa akin kung papano sila magsisimula. Pero mas marami sa kanila na may doubts at hindi kumbinsido na ang internet business (blogging, affiliate marketing, freelancing) ay isang profitable business.

The truth is, there are many individuals that are already earning good amounts of money online.

Marami sa kanila nagsimula lang sa pag ba-blog at pag share lang ng mga personal na kwento before pa nila nalaman na pwede ka pala kumita sa blogging at gamit ang internet in general.

So why internet businesses is one of the most profitable business in the world? Let’s view my article on some of the characteristics of a perfect business.

Based on these points, an internet business is a profitable business because of:

Low Cost, Low Capital, Low Overhead

Starting any traditional business requires a huge amount of capital. We recently put up a Sari Sari store / Grocery Store in our area and it costs us more than Php200,000 ($4,000 approx) for inventory alone.

That store also has an equivalent website (online store) that cost us maybe around Php2000 ($50) for the domain, hosting and logos (or maybe a little more than that if I include the data encoding from a VA).

But the point is, having an internet business is way cheaper that putting up a traditional offline business.

Starting an internet business does not require a huge capital. You can start as cheap as $50 per year by getting your own domain and server.

Also, you don’t have to employ a lot of employees. You can do the whole business by yourself and scale by hiring virtual assistance when you are able to afford.

If you require help for task that you do not know how to do, you can start you business with a little help from freelancers. Like what I did on the data encoding for KlickMo.com

Maintenance and overhead cost are also minimal. You do not have much of utility bills, office equipment or employee salaries. Probably the only expense when you start out are additional electric and the internet bills which will be paid on a monthly basis.

Portability – Work Anywhere

work anywhere anytime

Since we already mentioned that there’s not much of an overhead cost in having an internet business because there’s no permanent and traditional office. Your office is practically anywhere!

It is possible for an online business to be mobile. It is a portable business you can take anywhere. Heck, you can stay at a coffee shop (with good wi-fi) the whole day and you are still able to run your business.

An internet business can be operated almost anywhere in the world, any location with an internet connection.

Unlike most business where you have a physical store, an internet business is virtual.

Inventory Management

The most common issue with the traditional business is inventory management. Let’s face it, all businesses has something to do with selling. Selling goods or selling services.

In selling physical items, you will eventually have problems with managing your inventory. Like I mention, with out offline grocer store, we do have to track all items. We should be able to know which items are fast moving and which ones are gathering dust, literally.

My parents have their hardware business and they too are having a hard time and eating up many of their time keeping up with the inventories of their products. This is true in any business that has huge number of inventories.

If you are unable to track your stocks of good, there is a possibility that you will have missing products and your numbers will not tally. And also, let’s be real, your employees can easily ‘take home’ your inventories in small amounts.

In an internet business, you don’t have physical inventories but virtual inventories which are very easy to manage such as articles, host server, domain, links, etc.

Payment Accessibility

Payment in an internet business should be all electronic and hassle free! Unlike a physical business where you get paid or your customer and clients pays you on location, that is, where your establishment is located, in an internet business, all payments are online.

Since you will be selling online and preferable all process are automated, the main way to get paid in an online business is through Paypal, Payoneer, Paymaya and other similar gateway. Once payment is received, you can easily withdraw funds from your local bank.

You can also request your customer for a more traditional and manual way of payment. This is by direct bank deposit, bank transfer. Alternatively, you can also collect your income thru Western Union which has over 320,000 agent locations worldwide.

No Time Constraints

flexi schedule

As I am writing this post, I am in a food court in SM Marilao. (Disclaimer: I do not do this fulltime).  The point is, if you do this full time and if you do have an internet business, you are able to do it anytime, anywhere!

In most businesses, you manage many things. You have to concentrate most of your time in managing the business from hiring the right employees, marketing it, talking to clients, inventory management, etc. In an online business, you manage yourself.. and probably a number of freelancers.

One thing is certain, traditional business is way much more time consuming. In an internet business, you can just devote two to three hours of your time daily by writing quality articles and marketing it.

Of course, like in any other business, success in an internet business cannot be achieved overnight. You have to work hard from the start and as your internet business grows, it can be a source of passive income that can generate income for you while you are sleeping and definitely, you can retire early.

Take this post as an advise only. This is not a get rich quick king of thing. You have to put in the work and time. Consistency is key here.

Thoughts?

I hope that the points discussed and presented above made sense. If you have the skill and talent, or if you are able and willing to learn, starting an internet business is a good thing!

If you have any questions, let me know. I am reachable in social media. See you!

 

Categories
Stock Market Investing

4 Major Reasons Why Filipinos Do Not Invest in the Stock Market

Kumusta mga kaibigan? How are you doing?

philippine stock market

Alam mo ba na wala pang 1% mga Filipino sa loob at labas ng Pilipinas ang nag iinvest sa stock market?

“Wow!”, diba?!

At hindi lang ‘yan, ang SGX, Singapore Exchange which was founded only in 1999 but the Singaporean has 33% participation in the stock market.

Malaysia’s population of 18% invests in the stock market and Hong Kong’s population by 17%.

Napansin nyo ba na ang mas mayayamang mga bansa and maraming nag iinvest sa stock market?

Kung papansinin mo, mas maraming tao ang nag iinvest at nag pa-participate sa stock market, mas mauunlad ang mga bansang ito.

As for the Philippines, well we have 0.50% of our population.. Aha! kaya pala, alam na!

And that’s not all, considering that the Philippine Stock Exchange is one of the oldest stock market in Asia (1927), pwede nating i-assume na marami sa ating mga kababayan ang nagpaparticipate sa stock exchange, pero sadly its less that 1% of our population.

Pero bakit nga ba hindi nag iinvest ang mga Filipino sa stock market?

Here some reasons why Filipinos do not invest in the stock market

Lack of Awareness, Not Interested

not interestedThe most possible reason why pinoys are not investing in the stock market is that, they are probably not aware of it.

It’s really not because they do not know what a stock or stock trading is, it just that they are not at all interested in buying one. They are not aware that long term investing in a strong company can have a better return than just putting their hard earned money and savings in a bank.

Hindi nila marahil alam ang concept na pwede silang maging part-owner ng mga malalaking companies at brands tulad ng Jollibee, Meralco, PLDT, Globe Telecoms atbp. At kapag kumita ang mga ito at tumaas ang value ng mga stocks nila, ay lumalaki din ang value ng ininvest nilang pera.

Lack of Knowledge

lack of knowledgePangalawang dahilan kung bakit hindi nag iinvest ang mga pilipino sa stock market ay marahil, hindi sila marunong kung paano nga ba ang proseso ng pagbili ng stocks.

Katulad ko halimbawa, noong una ang akala ko ay kailangan ko pang kumausap ng mga tao sa Philippine Stock Exchange office para makabili ng stocks (influence ng mga movies).

Lately ko lang nalaman na halos lahat pala ng bank (BPI, BDO, Metrobank etc)  at mga investing company tulad ng COLFinancial, Philstocks, etc ay may mga online platform na ginagamit upang bumili at magbenta ng stocks.

Mas madali na talagang mag buy or sell ng stocks.

“Ah stock market, oo narinig ko na yan pero hindi ko kasi alam kung papano”. Yan ang madalas sinasabi ng malaking porsyenton na Pilipino familiar sa stock market pero hindi pa rin sila nag iinvest dito.

I am really hoping that through this blog and all other great Filipino financial blogs out there, I hope na makakatulong at maipamulat sa mga Pilipino na ang stock market, stock trading at stock investing ay simple lamang at kayang kaya ng gawin ng mga pinoy.

Fear of Failure or Risks

fear of risk failureEven if they do have interest and learn the basics, another hurdle that’s blocking their way is the fear of failure of the thought of how risky investing in the stock market it is overwhelming.

Kung hindi mo kasi alam ang ginagawa mo, ang stock market or stock trading din ang pinakamabilis na paraan para mawala ang iyong pera.

In the first place, ang perang nakalaan sa stock market dapat ay ang mga ipon or extra pera mo dapat na hindi mo gagastahin or walang immediate need to spend.

Ito dapat yung mga pera na pang-save talaga. Pera na itatabi mo talaga sa investment instrument (stock market) ng matagalang panahon.

So, ibig sabihin ang pera mo na pambayad ng bills or pambili ng grocery or ang pambayad sa tuition fee, ang mga perang ito ay hindi dapat ilagay sa stock market.

Lack of Money

lack of moneyAnd finally, ang isa pang common reason kung bakit maliit na percent lang ng mga Pilipino ang nag iinvest sa stock market ay dahil sa kakulangan sa pera… No funds.

Papaano ka nga ba mag iinvest at bibili ng stocks eh ang sweldo ay sakto sakto lang para sa akin at sa aking pamilya.

Marahil ay makakatulong tayo d’yan.

Dito sa Kilos Kaibigan, pinag uusapan natin ang mga pwedeng pagkakitaan ng simpleng Juan.

Kung may trabaho ka, pwede kang magtabi ng konting bahagi ng sweldo mo para ilaan sa pag invest sa stock market.

Pwede ka rin humanap ng sideline na maliban sa sweldo mo, pwede mong gamitin ang kinikita mo sa side hustle mo para bumili ng mga recommended stocks.

Are You One of Us?

So there you go! Those are some of the reason that I think are the major reasons why Filipinos are not investing in the stock market!

Think about it! According to Google, the Philippine population is around 101 Million in 2015. (or around 103 Million as of April 30 2017 according to this website)

Philipine population

So if you are one of the less than one half of one percent of Filipinos who are INVESTORS, you are one of the few and should be proud! 🙂

Share this blog post to your friend so they too should be aware and hopefully, they will study and start to participate in the Philippine Stock Market.

If you have any question, please let me know!

 

Categories
Motivate Yourself

You Suck? Don’t Worry!

Dude, suckin’ at something is the first step to being sorta good at something. – Jake, “Adventure Time”

 

I love this quote because it is from a cartoon that my kids love to watch when they were young – Adventure Time with Finn and Jake.

And it is true. Nobody can do something the first time perfectly. It takes repetition. It takes practice. At first you will fail. At first you suck in that new skill or activity that you want to do. It does not matter and it’s not the whole point.

The thing to do is to try again. You will eventually will be good at it.

Categories
Quotes

Want a Great Story? Dont give Up

Every great story on the planet happened when someone decided not to give up, but kept going no matter what. – Spryte Loriano