Categories
Network Marketing Leader Interview

5 FINGERS TECHNIQUE In NETWORK MARKETING BY MIKE MACROHON

KILOS KAIBIGAN SHOW: 5 FINGERS TECHNIQUE BY MIKE MACROHON

Listen to the poscast:

Hello mga kaibigan. Magandang, magandang gabi sa inyong lahat.

Welcome po sa Kilos Kaibigan Show.

So tayo po ay mapapanood sa Facebook Live, Facebook Kilos Kaibigan Show at sa YouTube channel natin at mapapakinggan din po tayo sa ating podcast, search n’yo lang “Kilos Kaibigan Show.”

Ang mission ng Kilos Kaibigan Show, ay matulungan po ‘yung ating mga nagsisimula at nahihirapang mga Pinoy networkers at tina-try po nating i-invite lahat nung mga top earners, top performers, mga celebrities sa iba’t ibang company para i-share sa kanila, i-share nila sa mga nahihirapang networkers ‘yung kanilang tips, lessons, at mga learnings.

So welcome po uli sa Kilos Kaibigan Show. Ako po si Eli Palad pero hindi po importante kung sino si Eli, ang importante po ‘yung mga guest na hinihintay po natin dito sa ating show.

            So for this episode, mga kaibigan, kasama natin ang isa sa top leader, top earner sa kanyang company.

So isa s’yang trainor, mentor, coach, isa din sya sa, isa sya sa mga Millionaire Circle member, so ayan at isa sa mga kilalang kilala ko ‘tong si Sir dahil napuntahan na n’ya halos lahat ng bansa sa buong mundo so nakakatuwa.

At wala pang virus nun so ayos ‘yun, ayos. So, mga kaibigan, please welcome si Sir Mike Macrohon!

Sir Mike, binigyan ka namin ng simpleng introduction as well baka pwede n’yo kaming bigyan ng background n’yo bago kayo naging isang network marketing professional, ayan, bago kayo naging top earner, top performer.

Kilos Kaibigan Mike Macrohon

Sino Si Mike Macrohon at Paano Napakilala sa Network Marketing?

Mike:   Ayan, so good morning po s lahat ng nakikinig ngayon at nasa show na ito na sumusubaybay.

I’m Mike Macrohon, Former Auditor of Tagaytay Highlands and then after my auditing career, ako po’y naging Customer Service Supervisor ng SM Department Store.

Tapos dun ako na-ano, dun ako na, may nakapag invite sa akin, isa sa mga rank and files ko. Syempre ‘pag ikaw ay supervisor, may mga hinahawakan kang tao, so isa doon ay doing networking.

And then nung una, eh naniniwala kaya lang, nakikita ko nagkakaroon ng resulta at ang daming nababago yung buhay. Sabi ko “Panahon na siguro pakinggan ko rin.”

So nakinig ako. And nung napakinggan ko s’ya, nagbago ang lahat kasi na-inspire ako sa mga tao na ordinary lang pero biglaang yumayaman, biglaang kumikita ng malaking pera at ang laki ng impact sa ekonomiya ng kanyang pamilya at nakapang invite sa kanya. So ganu’n ako nag start.

And then nagandahan ako sa products, na magiging isang araw, maise-share ko rin ‘to sa iba at hindi lang ako ang kikita ng pera, hindi lang ako ang magiging mabuti ang buhay at marami.

Kasi yung na-ano ko sa network marketing merong ibibigay na kapangyarihan sa mga kamay mo na wala sa employment. So ‘yun. To cut the long story short, tinodo ko po lahat tapos ako ay nagkaroon ng napakalaking resulta.

At parang hindi, hindi, hindi ano eh kung binibilang ko po ‘yung mga, ‘yung 10 years ko na kinita sa network marketing, kelangan kong magtrabaho ng 500 years sa SM sa sweldo ko nung ako’y supervisor.

Kasi wala akong makitang hanapbuhay na in 1 decade magkaroon ka ng mga bahay, magkasasakyan ka, magkaroon ka ng mga farm, ang dami ho, ang dadami hong nangyari sa akin, sobrang dami.

So dito naman hindi natin pag uusapan yung resulta ko, ang pag uusapan natin ngayon paano bang mangyayari sa inyo yung nangyari sa akin.

Eli:       Yes sir. So maraming salamat sir sa pag-ano, sa pagpunta, pag schedule ng ano, ng interview, actually itatanong ko nga kung sino ‘yung nagpakilala sa inyo o nag invite sa inyo sa networking, s’ya ‘yung nagpakilala sa MLM. Itatanong ko na lang, sir, ano ba ‘yung approach n’ya, ano ba ‘yung invite n’ya, papano ka ba pinilit para maka-attend dun sa presentation na ‘yun?

How to Invite? Paano Na Invite si Mike Macrohon Para Makining sa MLM Presentation

Mike:   Actually, ini-invite n’ya ako, ano daw, meron daw mga seminar tungkol sa food supplement. Eh sabi ko naman, “Hindi ko naman kailangan ‘yang food supplement. Malakas pa ako sa kalabaw.”

‘Yun ‘yung biro ko.

Tapos hanggang ano, hanggang pinagtulungan nila ako. Actually tatlo sila, tatlo ‘yung rank and files ko. ‘Yun na ‘yung isa kinukulit ako tapos ‘yung isa Customer Service Assistant mismo.

Araw-araw kong kasama, pinakikitaan ako ng mga income nila. So nung una di ako naniniwala pero nung nagkakaroon na sila ng tseke na P10,000, P12,000 every week tapos palaki nang palaki naging P50,000 na, naging P100,000 na, sabi ko

“Teka muna. Bakit isasabak ko ‘yung sarili ko sa aking sariling pananaw? Kailangan pagbigyan ko sila.”

So nangyari, pinagbigyan ako. Binitbit ako sa Ortigas at dinala ako sa seminar room at nakinig ako dun. Actually ‘yung kwento ko, ano eh, kakaiba. ‘Yung, ‘yung naging speaker during my time nang um-attend ako ng seminar, estudyante.

So parang sabi ko syempre may pride, may pinag-aralan. So hindi naman po pagyayabang, ako naman po ay naka graduate ng college, ekonomista po ako and then ako din ay graduate ng Theological Studies sa Esvin Seminary.

So ano, kumbaga ano kung, kung employment ‘yung tatahakin ko, may panlaban ako kasi nakapagtapos. Kaya sabi ko “‘Yung result, ‘yung result kasi ‘yung estudyanteng nag e-explain may kotse, ako bisor naka barong, walang kotse.” So dun ako, dun nagsimula ‘yung ano, ‘yung gigil ko. Ganun ang nangyari.

Eli:       Ayun.

Mike:   Kaya nga nagpapasalamat ako sa kanya, Mike Fabin.

Eli:       So nung sumali kayo, nung sumali kayo dun sa company, kumusta sir ‘yung ano, parang may mga getting started ‘yan eh, so kumusta ‘yung unang, unang few weeks, unang buwan, ‘di ba kayo nahirapan dahil first time o second?

Typical First Year Result in Network Marketing?

Mike:   Nangangapa ako. Nangangapa ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi di naman ako networker. Dehado ako. Sanay ako na, na pumapasok ng 8 to 5, nasa opisina. Sanay ako na sumusunod sa boss tapos dito sa network marketing, wala kang boss.

Sa’yo ‘yung oras, sisipagan mo lang. So nung una ano, ang ginagawa ko nag i-invite invite lang ako. So sinasakay ko sa bus ‘yung mga invite ko. Minsan dun lang ako nahihirapan, ‘yung panggalaw kasi wala na akong pera.

Dumating sa point na ‘yung mga invite ko hindi ko napapakain, ‘di ko man nati-treat ng pamasahe man lang pero sabi ko ano “Itutuloy ko ‘to kasi ang daming mga nabago’ng buhay.”

Nakita ko na kinareer ito, (not sure) and that time, nagkaroon ng malaking resulta.

So nung una mahirap, mahirap kasi ang kalaban ko is ano eh, una sa family ko. Syempre supervisor na ako tapos may pinag-aralan ako. Kumbaga ako’y magiging manager na during that time.

Tapos bigla akong magne-networking, na alam mo naman na negatibo ‘yung marami, ‘yung kasi ginamit sa hindi maganda. So ngayon nakapasok ka sa company nang maayos na, baka maging tingin sa’yo ganu’n. So ‘yun ‘yung mga nilalabanan ko na hirap, emotionally ‘yan.

Kasi paano ko, paano ako magiging effective sa family ko, na ipagtatanggol ko ‘to eh marami nga silang hindi magandang narinig, ayun! And then ang hirap ko pa talaga, actually panggalaw. Tapos ‘yung mindset na nahihirapan ako kapag nare-reject ako.

Nahirapan ako na ‘yung syempre ‘yung (unclear) tumatanggi sa’yo, dun ako nahirapan. Pero nung uma-attend ako ng seminar, nung uma-attend ako ng mga training, unti-unti, unti-unti na-immune ako, na-immune ako.

Hanggang sa ‘yung mga negativities, hindi ko na napapansin. Hanggang naging mahusay na ako tapos napansin ko nakakapagpa pay in na ako. So meaning nalampasan ko. Kailangan lang lampasan.

Eli:       Yes sir.

Mike:   Ayun. So nung kumita na ako ng malaki, kumita na ako nang kumita. As in…

Eli:       Tuloy tuloy na.

Mike:   Ang dami ko nakukuhang mga tao, ang laki ng kinita ko. Hindi, hindi, hindi na ano eh, dumating sa point na nung mga first week, second week, pang rank and file lang ‘yung kita ko. Tapos dumating ‘yung months na pang-supervisor na.

Hanggang lumaki nang lumaki ‘yung income ko na ‘yung kinikita ko sa SM na isang buwan naging dalawang araw ko na lang. Hanggang umabot sa point na ang sweldo ko pala ay pang-managerial na. Hanggang umabot sa point na ‘yung pang-executive na ng SM ang aking sweldo. So ganun ‘yung nangyari. So nalampasan ko s’ya.

Ito malupit, Ito malupit. Nung lumaki na ‘yung pera ko, meron pa ako’ng isang problema.

So both eh.

Kapag wala kang pera, may problema ka. Pa’no ‘yung pamasahe mo? Paano ka gagalaw?

Nung lumaki na ‘yung pera ko, ano na ‘yung gagawin ko sa mga perang nakukuha ko?

So kelangan ko rin mag-ano, mag, ang mahirap ko noon ‘yung priority. Paano ako bibili ng ganito?

Mag-iinvest ng ganito? So medyo hirap pagka nabigla ka. Kumbaga parang binigyan ka’ng sobrang laking pera. Kaya lang good news sa company na napasukan ko, may mga adviser sa pera.

Kaya ako, sa mga nagne-network, ‘pag nahirapan kayo’ng lagpasan ‘yung mga nangyari, later ‘pag kumita kayo, mahihirapan din kayo paano gagastusin naman. Lahat ‘yan.

Eli:       Mas magandang, mas magandang problema ‘yan sir. Papano mo gagastusin? Ayun. Ok, ok sir. Salamat sa pag-share. Tapos kapag nane-negative kayo ba, ano ba’ng, may mga favorite na mga quotes ba kayo sa mga, mga mentor n’yo? Para ‘yung…   

Mike:   Oo.

Eli:       …‘pagka nane-negative ka, ano ‘yung ginagawa n’yo? Ano ‘yung naiisip na ginagawa n’yo para, kaya nagtuloy tuloy kayo?

Mike:   Ako tuwing magne-negative ako, pumipikit ako eh. Tapos tinitingnan ko ‘yung buhay na harapin ko—kung employment ang itutuloy ko or ito. At pumasok sa isip ko ano, lagi kong sinasabi sa sarili ko “Don’t give up.” “Don’t give up.” Ganun lagi. “Don’t give up.”

Eli:       “Don’t give up.” lang talaga.

Mike:   Kasi the moment nag give up ka, wala na’ng lahat. So hindi ako nag give up. Diretso ako, diretso. Diretso. At t’wing magne-negative ako, tinu-turn ko ito sa pag i-invite.

Dahil mawawala din naman ang negative ‘pag nakapag invite ako lalo ‘pag nag pay in (not sure). Sa totoo lang kaya ka naman nane-negative, nagiging low, low, low moral ka ‘yung mood mo, isa lang ang nagtutulak n’yan dahil wala kang income.

So ano’ng gamot para magkaroon ng income? So easy lang ang networking. Paramihin ang tao sa ilalim mo. Paramihin ang customer. Paramihin ang consumer. Palakihin mo ‘yung community mo.

And the rest, ‘yung negative, i-turn mo lang ‘to sa pag i-invite. Ganun. Trabaho lang. Kasi ang mga nane-negative, malaki ‘yung space kung mag isip.

Ibig sabihin wala kang activities.

Eli:       Ayun, activities.

Mike:   So kung may activities ka, wala ‘yung negative.

Eli:       Tama. Sa nabanggit nyo…

Mike:   ‘Yun pala ‘yung bottom line ng lahat.

Eli:       Tama, tama. Activity. Busy ‘yung isip mo. Saka alam mo kung saan ka pupunta sir eh ‘di ba?

Mike:   Oo.

Eli:       Kapag nalaman mo kung saan ‘yung pupuntahan mo, dapat ‘di mo na pinapansin ‘yung mga negative. So napansin, nabanggit n’yo na dapat palakihin…

Mike:   Yes, may direksyon ka eh.

Eli:       Yes. Nabanggit n’yo na palakihin ‘yung consumer, palakihin ‘yung community. S’yempre nag-a-ano kayo, isa sa mga training na nakita ko sa inyo kasi ‘yung pagpapalaki ng, pagpapa-train ng mga leaders. ‘Yung favorite na training n’yo nun is ‘yung 5 Fingers eh. Tuwang tuwa ako nun ‘pag pinapanood ko eh. So baka may mga bagong networker d’yan na hindi pa nadidinig ‘yung training n’yo na fi-finger-in n’yo pa ‘yung, fa-five finger-in n’yo pa ‘yung mga bagong member para tuloy-tuloy ‘yung training.

Mike:   Yes, yes.

Eli:       Summary lang sir, summary.

What is the 5 Finger Training?

Mike:   Sa aking observation, summary lang ano? Sa observation ko, ang network marketing lima lang talaga s’ya tumatakbo.

Una, kahit may cellphone na tayo, kahit na high tech na tayo ngayon, kailangan talaga may prospect list ka. Hindi pwedeng wala. Isulat mo ang prospect list mo, 100.

At sa 100 na ‘yun, pili ka ng sampu. At sa sampu na ‘yun, pili ka ng lima—‘yung may pera, positibo at meron ka’ng tinatawag na “emotional bank account.”

Sa prospect list kasi mahalaga na ikaw ay may tiwala sa iyong talent (unclear).

Second, lahat ng prospect list mo, lalo na ‘yung priority, kelangan s’ya ay imbitahan mo. Invite mo talaga s’ya sa opisina, pakita mo ‘yung negosyo mo. Pormal na imbitahan mo.

And third, ‘pag naimbitahan mo, bigyan ng presentation. Kung ano ‘yung presentation ng company na meron ka, ibigay mo ‘yung presentation ng product, ng marketing plan, ilatag mo s’ya nang buong-buo.

And then, after ng presentation, ayun na. Kelangang ipakausap mo s’ya sa mga tao na makikita mo sa opisina na nagtagumpay na sa network marketing na ka-propesyon n’ya. Kung teacher ‘yan, ipakausap mo sa teacher.

Kung lawyer ‘yan, ipakausap mo sa lawyer. Maraming mga gan’un. So ang tip ko po sa mga nagsisimula, kelangang kilala mo ‘yung mga taong nakapaligid sa company mo.

Ano ba ‘yung profile nila? At ano ba ‘yung mga propesyon nila? Para meron kang ano, matching ang tawag dun.

And then after all, after all, kelangan ikaw ay magkaroon ng tinatawag na 48 hours rules na follow up dahil bottom line ng lahat, kahit anong ganda ng presentation mo, walang dalang pera ‘yan.

Ang pinaka-sales, masasabi mo lang s’yang sales na s’ya kapag iyan ay na-follow up mo at nagbayad na. Simple lang. Para lumaki ang iyong network, imagine-in n’yong meron kayong mga tao.

Nagsimula kayo, let’s say meron ka na ngayong sampung tao. Lahat ay may prospect list. Lahat ang galing mag-invite.

Lahat ang galing mag-present. Lahat ay nagpapa-ABC rule. Lahat ay nagfa-follow up.

Magaling lahat.

Ano’ng mangyayari dun sa organization mo? For sure, sabog.

Eli:       Yes.

Mike:   What if, baligtarin natin? Buong network mo, kahit dumami pa ‘yan, kahit ang laki ng, ang galing mo mag-recruit, pero lahat ng nasa ilalim mo, walang prospect list, walang, hindi magaling mag-invite, walang marunong mag-present, ikaw lang ng ikaw. Hindi nag a-ABC rule, hindi pa nakakausap sa iba, at hindi nagfa-follow up. Ano’ng network ang meron ka? Wala. Ibig sabihin, kapag ganun, ikaw lang ang nagta-trabaho, hindi sila. Wala kang leverage…

Eli:       Tama.

Mike:   …kapag hindi ka marunong sa 5 fingers na ‘yun.

Eli:       Tama.

Mike:   So again, napakahalaga ng 5 fingers. ‘Pagka pay in (not sure) pa lang ng isang tao, kailangan

Number 1: Pagsulatin mo na ng prospect list.

Number 2: Kailangan maipaintindi mo sa kanya na mag i-invite s’ya.

Number 3: Kelangang marunong s’ya mag-present. Sa simula ikaw muna.

Number 4: Kelangang ipakausap sa iba ‘yung mga prospect n’yo. And then i-follow up. ‘Yun lang ‘yun. Ganun ako nang ganun.

For the last 13 years, wala akong ginawa kundi ganun nang ganun nang ganun. Paulit-ulit lang. Paulit-ulit. Kaya ang laki ng kinikita ko.

Eli:       ‘Yun. ‘Yun nga. ‘Yun nga din ang gusto kong, ipa… iparating sa mga nanonood na mga baguhang networker or mga nahihirapan. ‘Yun lang sinabi ni sir Mike ngayon, naku po, ‘pagka nagawa n’yo ‘yun, baka sasabog din ang grupo n’yo. Ok.

Mike:   Sasabog ‘yan.

Eli:       Oo. Sige sir. Maraming salamat. So final, final word, final question na sir. Baka meron kayong tips uli mga nagsisimula pa lang na networker, ‘yung mga nasisiraan na ng loob. Final tip at…

Mike:   Ok.

Eli:       …sa mga gustong i-follow ka. Baka meron kang social media accounts na pwede nilang i-follow para baka ma-PM ka nila…

Follow Mike Macrohon in Social Media

Mike:   Yes.

Eli:       … o hingi pa sila ng tips.

Mike:   Ok. Ganito lang po. Sa lahat po ng mga nakakapakinig po ngayon dito, ang tip ko po sa inyo, isipin n’yo lagi ang family n’yo. Hindi po nagbibiro ang network marketing.

Proven and tested ang sistemang ito. Kaya n’yang baguhin ang buhay mo isang ganun lang. Isa lang ibig sabihin—kung ang sistemang ito ay proven and tested, hindi sa company, hindi sa produktong dala mo, kundi ikaw mismo.

Ikaw mismo ang kailangang maayos ang emotion, maayos ang pag-iisip, at kailangang mayro’n kang direction. So without direction, maliligaw ka lang. Kaya ako po, makakatulong po ako sa inyo.

Kahit anong company n’yo, punta lang po kayo sa, sa Facebook. I-follow n’yo po ako, Mike Macrohon. Or kung gusto n’yo pong matuwa sa buhay, i-search n’yo lang po ako sa Google, sa YouTube. Basta Mike Macrohon. Mapa-mapapanood n’yo naman eh, ‘yung ‘yung Funny OPP by Mike Macrohon.

Eli:       ‘Yan. Saka sir ‘yung…

Mike:   Marami po ‘yan.

Eli:       …dapat search nila ‘yung ano, pinakamayaman sa networking.

Mike:   Ah ‘yan! ‘Yang mga pinakamayaman. Ako ‘yan. Ako ‘yan.

Eli:       Sige sir. Maraming, maraming salamat sa oras na…

Mike:   Thank you so much po.

Eli:       Oo. So maraming salamat.

Mike:   Thank you sa, thank you po sa pag-invite mo sa’kin. At ito lang po, last word ko sa inyo. Sa network marketing lahat ng sumasali ay yayaman. Basta magdire-diretso ka lang at ‘wag kang mag-stop.

Eli:       Yes.

Mike:   Pero laging question ay ito, anong uri ka ng mayaman kapag ikaw ay mayaman na? So ‘wag po kayong magbabago. Laging ang paa’y nasa lupa para hindi maligaw at lalo kang biyayaan ng Diyos. So thank you so much and God bless po. May panalangin ako, sana ‘yung nangyari sa akin ay mangyari din po sa inyo. God bless.

Eli:       Thank you sir.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *