Ano ang Kilos Kaibigan Show

Hello!

Welcome sa Kilos Kaibigan Show! My name is Eli and I am you’re host. 🙂

This is basically, Episode 0.

The Show

Pag uusapan natin kung ano ba ang purpose at mission ng Kilos Kaibigan Show!

Ang layunin ng Kilos Kaibigan Show ay tulungan ang mga Pilipino networkers na palakihin ang kanilang group sa tulong ng mga tips ng ating mga guest na top earners ng kani-kanilang company.

Ang layunin ng Kilos Kaibigan Show ay bigyan ng pag asa ang mga Pilipino networkers na kaya din nilang makamit ang tinatamas ng kanilang leader upline.

Ang Kilos Kaibigan Show ay nagpa-publish ng episode once a week, Sunday.

Dito sa ‘Show’, iinterviewhin natin ang mga taong kumilos at nag sumikap para makuha ang kanilang pangarap sa buhay

Ang Kilos Kaibigan show ay 15 to 30 minute podcast kung saan malalaman at matutunan mo secret nila at advise.

The Guests

Sino ba ang ating mga future guests?

Sila ang mga top earners ng kani-kanilang mga company!

Mga taong kumikita or nag earn na ng Php1M per year or higit pa!

Ibig sabihin, mayroon silang tanong processo at systema na pwede nilang i-share sa atin at matutunan.

Pag uusapan natin ang kanilang personal and family background.

Pag uusapan natin kung anong struggles ang naranasan nila sa buhay.

Paano nila nakita ang Network Marketing. Sinong nagpa kilala sa kanila.

Anong mga challenges ang nalagpasan nila para makamit ang tagumpay at marami pang iba.

Aalamin din natin ang kanilang mga secret for success and mga failures na nakatulong sa kanila para maging successful.

Sa mga ibabahagi ng ating mga top earners ay ma bibigyan ng inspirasyon ang mga Pilipino na kumilos patungo sa kanilang pangarap!

Ang mga taong ginagawang umaga ang gabi. Ang mga taong bumuo at bumubuo ng malakas na grupo.

Basically, bubusisiin natin ang buhay nila both personal at business side.

As much as possible po, pipilitin natin na magin generic ang lahat ng interview.

Wala tayong babanggitin na company name or product as much as possible.

The Viewers, The Goal

Sana ay mapulutan mo ng aral at technique kung paano mo ibu-build ang iyong network.

Online man yan or traditional home meeting, or business event.

So kung naghahanap ka ng mentor sa loob at labas ng company mo, marami kang matutunan sa ating mga guest.

Di mo na kailangan magpa schedule sa kanila ng 15 minute coffee one-on-one session dahil ang Kilos Kaibigan Show na ang magtatanong sa kanila para sa iyo.

The Host

Background… I am Eli, isa po akong IT Admin. More than 15 years na po akong nagtatrabahong bilang System Administrator sa iba’t ibang industria.

Sumali ako sa Network Marketing noong 2014. Hindi man ako naging successful, subalit naintindihan ko ang concept at power ng Network Marketing.

Naniniwala ako na ito pa rin ang the best vehicles para marating natin ang ating pangarap sa buhay.

Sana ay makatulong ang Kilos Kaibigan Show para patuloy na bigyan ka ng motivation, patuloy na bigyan ka ng pag asa, nang hindi mawala ang paniniwala mo sa network marketing.

Kilos Kaibigan!