Kumusta mga kaibigan? For today’s topic, hindi ko alam kung narining nyo na or nai-share na sa inyo yung kwento ng flashlight at ang flash of light ng kidlat.
Kung ikaw ay involved sa network marketing, alam mo na isa sa mga magandang bagay dito ay ang continuous learning and continuous self-development.
Marami tayong natututnan sa iba’t ibang mentors. Namomotivate tayo sa mga aral na binabahagi nila. Nai-inspire tayo sa mga experiences and mga kwento nila.
Ang kwento ng flashlight versus flash of lightning ay narining ko rin sa isang top network marketing leader, na hindi ko sasabihin ang pangalan..
Kung kilala mo sya, comment below.. kung ikaw or kung sayo nag originate ang kwentong ito, please comment below and show proof 🙂
Kung ikaw ay network marketing leader na maraming pwedeng ituro at i-share sa mga nagsisimula pa lang, i-urge you to reach out to Kilos Kaibigan Show (me) and let’s do an interview..
Naghahanap po ang KKS ng mga mentors and coaches na open mag share at hindi nagsasarili ng learning.. eli@kiloskaibigan.com.. email me.
The Flashlight vs. Flash of Lightning
Hindi ka ba nagtataka kung bakit may mga networker na kahit hindi sila kumikita ng malaki sa umpisa or mabagal ung paglaki ng kanilang group, mabagal ang pag asenso nila.. pero hindi sila nagqu-quit!
It ay ang mga tao, ito ang mga networkers na alam nila kung saan sila papunta.
Ito yung mga tao na alam nila kung ano yung naghihintay sa kanila basta wag lang silang titigil at maging consistent lang sa kanilang daily activities.
Tapos may mga tao naman, na mga networkers din.. sandali lang.. QUIT!
Or, may mga tao naman na ayaw nila mag network. Walang dating sa kanila ang mag network. Hindi nila naiintindihan ang network marketing.
Ganito yan…
Imagine nasa isang mundo ka na talagang walang liwang.
Madilim.
Sa lugar na ito, mayroon ka lang isang flashlight. So, ang nakikita mo lang ay yung beam of light na nanggagaling sa flashlight.
Ang nakikita mo lang ay ang mga bagay na tinatamaan ng liwanag ng flashlight, tama?
Tapos, imagine mo rin na biglang kumidlat! Napi-picture mo ba pag may malakas na ulan at may kidlat? Di ba pag malakas ang kidlat sa madilim na gabi, biglang magliliwanag ang paligid mo?
Sa liwanag ng kidlat na iyon, sa flash of light na galing sa kidlat na iyon, nakita mo lahat ng nakapaligid sayo.
Kahit na dumilim ulit sya.. kahit na one, two seconds lang yung liwanag, nakita mo ang mga nasa paligid mo.
Compare natin sa flashlight, ang nakikta mo lang ay ung malapit sayo. Ang nakikita mo lang ay yung kayang ilawan ng flashlight.
Short distance, limited.
In Network Marketing…
Parang ganon din sa network marketing.
Yung mga taong empleyado or may employee mindset, yung mga taong nagqquit sa network marketing business nila, sila yung mga taong may limited vision.
Sila yung mga taong may hawak ng flashlight.
Hindi nila nakita ang buong picture. Hindi nila nakita yung buong vision. Hindi nila nakita ung mga nakapaligid sa kanila. Hindi nila nakita ang naghihintay sa kanila kung itutuloy tuloy lang nila ang pag build ng network nila.
Ang nakita lang nila ay kung ano yung nasa harapan nila (dahil sa flashlight). Ang nakita lang nila ay ang mga struggles, ang mga rejections, ang lahat ng mahirap. Kaya suko na sila. Di nila nakita yung destination.
Ang ibang networkers naman, kahit hindi pa sila kumikita, kahit nahihirapan sila mag build or magpalago ng group nila.. maaring ikaw yun or maaring kilala mo sila,
Hindi sila nag qquit!
Kasi nakita nila ang vision! Nakita nila ang power ng network marketing, ang power ng leverage. Nakita nila ang mga magagandang bagay na naghihintay sa kanila.. dahil sa flash of light na galing sa kidlat.. ng dahil sa vision na binigay sa kanila ng network marketing.
So ang kailangan na lang ay Gumalaw ka.. Puntahan mo.. Kuhanin mo.. ang lahat ng naghihintay sayo sa network marketing!
Kung isang networker ka at nahihirapan ka ngayon pero di ka nag qquit.. Dahil alam mo ang naghihintay sayo, ngayon pa lang kino-congratulate na kita!
Kung may kakilala ka na dapat malaman ang flashlight story, share mo to sa kanila.. Tag, share sa facebook.
Salamat..Kilos Kaibigan!