Sa panahon natin ngayon, halos lahat ng tao ay may Facebook account. At syempre, ang unang requirement ng mga nagbi-business or may mga negosyo ay ganito – “kung nasaan ang tao, dun ka magbenta“.
Sa English, dapat may ‘foot traffic’ ang pwesto ng tindahan mo. At dahil online business at online selling ang ginagawa natin, saan pa ba maraming tao kung hindi sa Facebook.
Eto ang apat (4) na paraan para mag share at magbenta ng mga produkto mo sa Facebook:
1. Post on your personal profile or your own wall
2. Post on your Facebook groups
3. Direct sell to your Facebook friends and contacts.
4. Advertise using Facebook Ads on your Facebook page
Sell On Your Personal Profile
Ang unang unang lugar kung saan pwede kang magshare ng product mo ay ang iyong personal Facebook account. And advantage nito ay kilala mo ang mga taong makakakita ng mga products mo. Or at least, mas marami ang kilala mo at kilala ka.
Mas malaki ang chance na may bumili sayo kung kilala at pinagkaka tiwalaan ka ng tao. At dahil mga friends mo na sila – kamag anak, ka trabahao, classmate etc.)
Sell on Facebook Groups
Warning! Warning!
Warning muna bago tayo mag paliwanag. Lahat ng topic at interest mo ay may mga Facebook groups, halimbawa, group para sa cycling, biking, basketball, music at iba pa. Subalit hindi, ulitin ko po, Hindi ito ang groups kung saan kayo mag popost ng mga products nyo.
Usually ang mga ganitong mga Facebook group ay para makipag kaibigan sa ibang tao na may common interest sayo.
Saan ka dapat mag share/post ng binebenta mong products? Usually ito ay mga Buy-and-Sell groups. Oo, karamihang mga members ng ganitong groups ay mga nagbebenta din, pero may mga to din na sumasali sa ganitong group para maghanap ng bibilhin nila. Sila ang target market natin.
Direct sell to your Facebook friends and contacts
Ito ay katulad sa pa share ng products mo sa sarili mong Facebook profile na kung saan ang makakakita ay mga friends mo. Ang pagkakaiba lang ay kakausapin mo ng diretso ang mga taong kakilala mo talaga.
Aminin na natin, hindi lahat ng mgafriends natin sa Facebook ay friends talaga natin or kakilala talaga natin. Maaring sila ay mga kakilala ng mga friends natin na na add na natin or nagpa add sayo sa facebook.
Para sa mga ‘true friends’ natin sa Facebook, yung mga taong kilala tayo, sila yung mga taong pwede nating i-direct sell. Paano? Sa pamamagitan ng PM (private message). Pwede mo silang i-PM at hindi sila magtatanong kung sino ka dahil kilala ka talaga nila. Ngayon, ok lang syempre kung bumili sila or hindi, diba? 🙂
Advertise using Facebook Ads on your Facebook page
Ang topic para sa pag gamit ng Facebook Pages at Facebook Ads ay isa pang mahabang paliwanagan and deserves a whole other post. Pero ang huli at pinaka maraming reach or pinaka maraming makaka kita ng products mo ay ang pag gamit ng Facebook page at pag advertise sa Facebook.
Sa Facebok page (ads) pwede kang mamili kung sino at anong klaseng tao (demographics) ang makakakita ng ads mo. Kung may budget ka para sa marketing and adverts, dapat ay mag aral ka kung paano gamitin at paano mag submit ng ads sa facebook.
Suggestion?
Yan po ang ating apat na paraan para mag benta ng ating products online using Facebook. Kung may ibang paraan pa kayo na pwede nating gamitin, pwede nyo pon gi comment sa baba at i share sa ating mga readers!
Don’t forget to subscribe sa ating mailing list at i-download ang ating free ebook! Cheers! Kilos Kaibigan!